Ang Walang Katulad na Kristo
Bilang isang bagong silang, pinanginginig Niya ang isang hari; bilang isang bata, nilito Niya ang mga doktor at propesor, at bilang isang nasa hustong gulang, kinontrol Niya ang kalikasan. Wala Siyang pag-aaring bukirin ng butil o palaisdaan, gayunpaman naghain Siya ng pagkain para sa 5,000 at may natira pang tinapay at isda. Pinagaling Niya ang maraming tao nang walang gamot at walang bayad.